This song was sang during the anti-chacha march and rally yesterday in Dagupan City.
ANG CHA-CHA AY SUMABIT
(Ang Pasko ay Sumapit)
I
Ang Cha-Cha ay sumabit,
Dahil Bayan ay nagalit
JDV Namilipit, Dahil Gusto
Ay Ipilit……
CON-ASS daw ang kailangan,
Lunas sa hirap ng bayan,
Ngunit siya ay nabisto
Hangad pala’y sariling pakinabang!!!
Refrain
Sa Congreso ay naghugas kamay,
Dahil ang CON-ASS nila’y sumablay
Sektor ng Bayan, Maging ang
Simbahan…Sa laban nagtagumpay!!!
II
Buong Bayan ay umawit
Pasalamat hanggang langit,
Dahil di naipilit
Hangad ng lider na ganid
Tunay na kalayaan,
Kapakanan ng ating bayan,
Ang laging ingatan,
Pang-aabuso’y, Laging babantayan…