Dalawampu’t-dalawang karagdagang housing units ang opisyal na ipamimigay ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dagupan at nang Couples for Christ sa mga pamilyang beneficiaries ng Gawad Kalinga-Bangusville housing project sa Agosto 18 ng taong kasalukuyan.

Si mayor Benjamin S. Lim kasama ang kanyang asawa na si Celia Lim ang mangunguna sa awarding ceremony at sa turn-over ng symbolic key sa mga mahihirap na pamilya sa Gawad Kalinga site sa may barangay Bonuan Gueset.

Ayon kay Ricky Castillo, project Coordinator, prioridad nang housing project ang mga walang tahanan at less privileged citizens ng Dagupan lalo na ang mga tinaguriang poorest of the poor na nawalan ng tirahan dahil sa construction ng Dawel-Pantal-Lucao diversion road.

Karamihan sa mga pamilyang ito ay galing sa barangay Pantal at Arellano.

Kaugnay nito, sinabi ni Castillo na bukod sa 22 housing units na ito, mayroon pang sampung bahay na isusunod na ipamimigay sa mga mapapalad na beneficiries sa loob ng dalawang linggo.

Sa ngayon ang GK-Bangusville site ay mayroon ng sariling learning center para sa mga bata at multi-purpose hall na donasyon ng isang Rotary Club at sa kabouan ay 74 na pamilya na ang nabibigyan ng bahay sa naturang lugar.