Hindi na kailangan pang mangutang ni mayor Benjie Lim o maghanap pa ng pondo para sa proyektong bangus processing plant dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay house speaker Jose de Venecia, jr. ipinangako ng foreign minister ng Korea nung silay nagkausap na magdodonate ang gobyerno ng Korea ng tinatayang isandaang milyong peso para sa naturang proyekto.

Magugunita na bago pa man nagpahiwatig ng pagkalas ng suporta si mayor Benjie Lim kay pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay hiningi na niya ang financial support ng national government para sa proyektong ito. Ito ay nauna nang naiplano na ipapatayo sa bonuan bagong barrio sa bonuan gueset dito sa lungsod ng dagupan. Inumpisahan na nilang linisin ang naturang lugar sa pamamagitan ng pagpapaalis sa ilang mga kabahayan. Subalit sa ngayon ay para tahimik ulit ang city government hinggil sa naturang proyekto.

Magugunita na mayroon ng paunang financial support na naibigay si pangulong Arroyo subalit itoy hindi pa daw nakukuha ng siudad. Itoy dahilan na rin sa kakulangan ng koordinasyon sa mga concerned agencies para sa pagpapalabas ng naturang pondo.

Ayon kay speaker de venecia, hindi siya tumitigil sa paghanap ng mga posibleng tutulong sa mga ganitong proyekto na mapapakinabangan ng taong bayan. Narito ang karagdagang pahayag ni speaker jose de venecia, jr.

Samantala, ipinahayag din ni de venecia na inaasahan din na sa buwan ng January ng susunod na taon ya bubuksan na rin ang domalandan bridge sa bayan ng lingayen. Sa ngayon ay patuloy ang construction nito at inaasahang matatapos hanggang sa buwan ng desyembre ng taong kasalukuyan. Magugunita na bumagsak ang naturang tulay ng magkaroon ng malakas na bagyo sa pangasinan mahigit limang taon na ang nakakaraan. Ipinahayag ni speaker de venecia na kasama niya sa pagpa-folow up ng naturang proyekto si congressman amado espino, jr. ng pangalawang distrito ng pangasinan at si governor victor agbayani.

Binigyan diin niya na ang mga nabanggit na proyekto ay ilan lamang sa mga super region plans na inilatag ni pangulong Gloria macapagal arroyo sa kanyang state of the nation address.