Nagkakaisang inaprubahan kahapon ng mga board members ng sangguniang panlalawigan ang isang resolusyon na nagpaparangal kay gringo de Guzman sandiego na taga mangaldan dahilan sa pagiging topnotcher nito sa katatapos na nursing board examination.
Base sa provincial resolution no.1621-2006 na iniakda ni board member manuel ancheta, si gringo na anak nina mr. Rodolfo at teresita san diego ng barangay amansabina sa bayan ng mangaldan ay nagbigay ng karangalan sa kanyang mga kababayan sa pangasinan dahilan sa pangunguna niya sa lahat sa naturang board exam.
Si gringo sandiego ay nagsisilbing magandang ehemplo at inspirasyon ngayon ng mga kabataan upang silay magtagumpay din sa kani-kanilang mga propesyon.
Dahil dito marapat lamang anila na mabigyan din ng ganitong parangal si gringo sandiego ng mga miembro ng sangguniang panlalawigan na pinangungunahan ni vice governor oscar lambino.