Hinahanap-hanap ko pa rin ang hectic na schedule. Ito ang naging pahayag ni retired general Arturo Lomibao, ang dating chief ng Philippine national police nung siyay umuwi dito sa lalawigan ng pangasinan kamakailan.

Ayon kay Lomibao hindi pa rin siya natatapos sa pagaayos ng kanyang mga gamit na kanyang inuwi mula sa kanyang tanggapan sa camp crame pagkatapos niyang magretiro. Sinabi nya na pagkatapos ng tatlumpu’t walong taon niya sa serbisyo, ngayon lang siya nakakatikim ng kaginhawaan sa oras subalit hindi siya sanay umano sa ganito.

Dahil dito, bukas siya umano sa anumang government position, elective man o appointive. Bagamat nauna nang napaulat na ibinibigay sa kanya ang pagiging hepe ng national bureau of investigation o nbi, pinabulaanan niya ito at ipinaliwanag na kaya siguro lumalabas ang ganitong mga spekulasyon ay sa dahilang wala pang permanenteng nakaupo sa naturang posisyon. Idinagdag pa niya na anumang government position na ialok sa kanya ng pangulo na sa tingin niya ay kaya niya at qualified siya ay hindi siya magdadalawang isip na tanggapin ito. pwede rin aniya siyang tumakbo bilang governor ng lalawigan ng pangasinan sapagkat ang mithiin pa rin niya ay government service.

Sa ngayon, ipinahayag ni retired gen. lomibao na mas may oras na siya para basahin ang mga aklat niyang hindi pa niya nababasa noon at manood ng sine kung may oras pa.

Sa kanyang paguwi dito sa pangasinan nung nakaraang araw ay upang dalawin ang kanyang kamag-anak, dalawin ang puntod ng kanyang mga magulang at magsimba sa our lady o manaoag shrine sa bayan ng manaoag.