Naghahanda na ang Biskeg Pangasinan para sa nalalapit nang eleksyon sa susunod na taon.
Ang Biskeg na Pangasinan, ang nagiisang accredited provincial party ng commission on elections o comelec ay nagnanais na makapaglatag ng kanyang mga kandidato sa iba’t ibang mga lunsod at munisipalidad ditto sa lalawigan ng pangasinan.
Ayon kay undersecretary for local governance Antonio villar, jr. ang founding chairman ng biskeg, ngayon pa lang ay inihahanda na nila ang mga bagay na may kinalaman sa eleksyon. Idinagdag pa ni villar na ang tanggapan ng biskeg na nakabase sa central business district sa dagupan city ay nakikipagugnayan na sa mga incumbent mayors at mga konsehal na orihinal na miembro ng grupo para maipatupad ang naturang plano.
Idinagdag pa niya na lahat ng mga orihinal na miembro ay kinakailangang ipahayag ang kanilang pagkagusto o interest para sa renewal ng kanilang membership bagamat ito ay dadaan pa rin sa approval ng labing limang miembro ng board of directors na pawing mga incumbent officials gaya ng mayor, vice mayor o kaya ay board member.
Ang iba pang mga pwedeng maging mga bagong miembro ay kinakailangan din dumaan sa isang masusing pagsisiyasat upang mapanatili nito ang malinis at magandang reputasyon sa pagbibigay ng mga potensyal at winnable na mga kandidato. Iniiwasan din nila ang posibleng paggamit sa biskeg para sa sariling interes ng ilang mga politico.
Pagkatapos makuha ng biskeg ang accreditation nito sa comelec, nakapagtala siya ng historya sa pangasinan sapagkat ito ang kauna-unahan at opisyal na kinikilalang political party sa lalawigan.
Ang mga local leaders na matatangap sa naturang samahan ay pananatilihin din nila ang kanilang national political party affiliation subalit tangan nila ang Biskeg bilang kanilang local party gaya halimbawa ng Lakas-biskeg o npc-biskeg.
Ipinahayag pa ni Villar na nakakataba ng puso dahil halos lahat ay nagnanais makasama sa biskeg. Patunay dito ang pagdami na ng kanilang bilang kung saan umaabot na sila sa apat na raan mula sa iba’t ibang bahagi ng pangasinan at lahat ay mga elected officials.
Ang Biskeg ang nasa likuran halos ng pagkakaupo sa iba’t ibang posisyon ng mga local leaders sa pangasinan.
Nagumpisa ang biskeg bilang isang informal group sa 3rd district ng pangasinan nung mga 1990’s, hanggang sa nagdesisyon ang mga miembro nito na iparehistro na sa comelec dahilan na rin sa tagumpay ng mga sinupurtahan nito. Ang Biskeg ay gumawa rin ng hakbang para sa pagkakapanalo ni pangulong Gloria arroyo laban sa kanyang katunggali na nagpakikila ring isang pangasinense.