Hi Sir Jing and Ma’am Susan: Di lang po mga pulis ang ang gumagawa ng kabalbalan, pati na rin po ang nag-tatrabaho sa post office, specially sa EMS na letter. Isa na ang pamilya ko ang nabiktima ng EMS. Kaya, please Aksyon Radyo Pangasinan, paalalahanan nyo po ang nagwo-work ng EMS letter na huwag nilang kunin or pakialaman ang laman ng sulat. Pinakialaman po kasi yong EMS ng brod ko sa sister ko sa Pozorrubio, tapos sabi nila hindi registered yong EMS. May EMS letter ba na hindi registered, eh may resibo po yon?

Trish