Archive for July 18th, 2006

PAG-UUMPISA NG CITY DISASTER CONSCIOUSNESS WEEK, PINANGUNAHAN NI MAYOR BENJAMIN LIM

Sa pag-uumpisa ng isang linggong selebrasyon sa paggunita ng disaster consciousness week, pinangunahan ni mayor Benjamin S. Lim ang isang seremonya na ginanap kanina sa city plaza bilang hudyat sa pag-umpisa ng mga inihandang mga aktibidad patungkol sa naturang okasyon.

Sa kanyang pagsasalita, iginiit ni Lim ang kahalagahan ng pagiging handa sa lahat ng oras sa anumang sakuna ng maiwasan at mabawasan ang bilang ng mga nadidisgrasya.

Mismong lungsod ng Dagupan ay nakaranas ng malaking sakuna noong July 16, 1990 kung kaya’t hindi maiwasang balikang muli ni Lim ang nakaraan at iugnay ang naging karanasan ng lungsod noon sa kasalukuyan.

Sa ngayon ani Lim, ang kahandaan ng lungsod sa anumang sakuna ay pinunan ng mga pagsasagawa ng mga seminar-workshops sa mga barangay
gaya ng proyektong PROMISE na isinagawa sa walong barangay at itoy sa tulong na rin ng USAID.

Naging panauhing pandangal naman si UnderSecretary Manuel D. Gerochi, namumuno ng Special Concerns and Inter-Agency Affair ng Department of Environment and Natural Resources. Dumalo din sa naturang okasyon si Senior Superintendent Nicanor Casaclang, ang Deputy Regional Director for Administration, RDCC Region I; at si Assistant Regional Director Melchito Castro ng Office of Civil Defense, Region I.

Bukas magkakaroon naman ng paglilinis sa ilog pantal at pagtatanim ng mangrove sa mga gilid ng ilog na pangungunahan ng tanggapan ni city agriculturist Emma Molina. Ito’y susundan naman ng Academic Olympics sa Training Center ng West Central Elementary School.

Sa Hulyo 21 ang pagsasagawa naman ng isang earthquake at evacuation drill sa mga escuelahan sa lungsod ng Dagupan.


MOTOR VEHICLE USER’S CHARGE, IPINALIWANAG

Malaking bagay ang nagagawa ng motor vehicle user’s charge o ang karagdagang bayarin sa land transportation office ng mga vehicle owners para sa pangangalaga ng mga daan ditto sa bansa.

Ito ang ipinaliwanag ng mga kasapi ng LTO, department of public works and highways at ng Philippine information agency o PIA sa ginanap na road user’stax orientation ditto sa lungsod ng dagupan kaninang umaga,

Ayon kay Abraham Libadia, ang regional director ng PIA sa region I, ang naganap na orientation kanina ay nauna ang pangasinan sa region I sa pagsasagawa nito. Ipinaliwanag nya na kailangang maintindihan ng mga tax payers lalo na sa mga may-ari ng sasakyan kung bakit may ganitong mga klase ng buwis na ang nagpapatupad ay ang land transportation office.

Ayon kay Danilo Orbos, ang representative ng lto mula sa Dagupan, sa lalawigan ng pangasinan, ay ang dagupan district office ang nakakapagtala ng pinakamalaking koleksyon subalit ito ay idinedeposito kaagad sa bangko at naipapadala naman agad sa kanilang central office. Bahala na rin ang kanilang punong tanggapan sa pagbibigay nito sa DPWH upang magamit sa tamang pamamaraan.

Ayon kay Rodolfo Dion, ang district engineer ng 2nd pangasinan engineering district na nakabase sa bayan ng lingayen, base sa republic act 8794, ang naturang koleksyon ay napupunta sa m ga sumusunod: 80% ay ginagamit sa repair at maintenance ng mga national roads sa buong mundo, kasama na ang improvement ng drainage system, 5% para sa special local road fund, 7.5% para sa special road safety fund at 7.5% para sa special pollution control fund.

Ipinaliwanag ni Dion na sa naturang buwis na lamang umaasa ang DPWH para sa regular maintenance ng mga daan sapagkat ilang taon na ring walang nangagaling sa gobyerno o sa dpwh central office kayat lubhang mahalaga ang pagbabayad ng MVUC o ang motor vehicle user’s charge.


CITY COUNCILOR JOEY TAMAYO, NAGMULTA NG 300 MATAPOS MAHULING NAGTAPON NG UPOS NG KANYANG SIGARILYO SA LOOB NG CITY HALL COMPOUND

Minsan pang napatunayan ang kasabihang no one is above the law matapos
pagmultahin ng task force anti-littering ng lungsod ng Dagupan si councilor Joey Tamayo dahil sa pagtatapon ng kanyang upos ng sigarilyo sa city hall compound.

Naganap ang naturang insidente kahapon ng bumaba na si Tamayo mula sa session hall ng Sangguniang Panglunsod pagkatapos ng ginanap na regular session.

Sa pagbaba ni Tamayo, bigla niyang itinapon ang kanyang upos ng sigarilyo na nakita naman ng task force anti-littering. Dahil ditto pinagsabihan ang naturang konsehal na hindi naman nagalit bagkus agad itong naglabas ng three hundred pesos bilang multa sa nagawa niyang pagkakasala.

Base sa ordinansa ng lungsod, mahigpit ngayong ipinagbabawal ang pagtatapon nang anumang basura sa lansangan at maging kahit saang lugar. Ang sinumang mahuli ay pinagmumulta ng three hundred pesos.


July 2006
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31