Archive for July, 2006

Pondo para sa proyektong Bangus processing plant ng Dagupan, nakatakdang iuwi ni Speaker de Venecia mula sa Korea

Hindi na kailangan pang mangutang ni mayor Benjie Lim o maghanap pa ng pondo para sa proyektong bangus processing plant dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay house speaker Jose de Venecia, jr. ipinangako ng foreign minister ng Korea nung silay nagkausap na magdodonate ang gobyerno ng Korea ng tinatayang isandaang milyong peso para sa naturang proyekto.

Magugunita na bago pa man nagpahiwatig ng pagkalas ng suporta si mayor Benjie Lim kay pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay hiningi na niya ang financial support ng national government para sa proyektong ito. Ito ay nauna nang naiplano na ipapatayo sa bonuan bagong barrio sa bonuan gueset dito sa lungsod ng dagupan. Inumpisahan na nilang linisin ang naturang lugar sa pamamagitan ng pagpapaalis sa ilang mga kabahayan. Subalit sa ngayon ay para tahimik ulit ang city government hinggil sa naturang proyekto.

Magugunita na mayroon ng paunang financial support na naibigay si pangulong Arroyo subalit itoy hindi pa daw nakukuha ng siudad. Itoy dahilan na rin sa kakulangan ng koordinasyon sa mga concerned agencies para sa pagpapalabas ng naturang pondo.

Ayon kay speaker de venecia, hindi siya tumitigil sa paghanap ng mga posibleng tutulong sa mga ganitong proyekto na mapapakinabangan ng taong bayan. Narito ang karagdagang pahayag ni speaker jose de venecia, jr.

Samantala, ipinahayag din ni de venecia na inaasahan din na sa buwan ng January ng susunod na taon ya bubuksan na rin ang domalandan bridge sa bayan ng lingayen. Sa ngayon ay patuloy ang construction nito at inaasahang matatapos hanggang sa buwan ng desyembre ng taong kasalukuyan. Magugunita na bumagsak ang naturang tulay ng magkaroon ng malakas na bagyo sa pangasinan mahigit limang taon na ang nakakaraan. Ipinahayag ni speaker de venecia na kasama niya sa pagpa-folow up ng naturang proyekto si congressman amado espino, jr. ng pangalawang distrito ng pangasinan at si governor victor agbayani.

Binigyan diin niya na ang mga nabanggit na proyekto ay ilan lamang sa mga super region plans na inilatag ni pangulong Gloria macapagal arroyo sa kanyang state of the nation address.


Dating Chief PNP, hindi pa rin sanay sa relax na pamumuhay

Hinahanap-hanap ko pa rin ang hectic na schedule. Ito ang naging pahayag ni retired general Arturo Lomibao, ang dating chief ng Philippine national police nung siyay umuwi dito sa lalawigan ng pangasinan kamakailan.

Ayon kay Lomibao hindi pa rin siya natatapos sa pagaayos ng kanyang mga gamit na kanyang inuwi mula sa kanyang tanggapan sa camp crame pagkatapos niyang magretiro. Sinabi nya na pagkatapos ng tatlumpu’t walong taon niya sa serbisyo, ngayon lang siya nakakatikim ng kaginhawaan sa oras subalit hindi siya sanay umano sa ganito.

Dahil dito, bukas siya umano sa anumang government position, elective man o appointive. Bagamat nauna nang napaulat na ibinibigay sa kanya ang pagiging hepe ng national bureau of investigation o nbi, pinabulaanan niya ito at ipinaliwanag na kaya siguro lumalabas ang ganitong mga spekulasyon ay sa dahilang wala pang permanenteng nakaupo sa naturang posisyon. Idinagdag pa niya na anumang government position na ialok sa kanya ng pangulo na sa tingin niya ay kaya niya at qualified siya ay hindi siya magdadalawang isip na tanggapin ito. pwede rin aniya siyang tumakbo bilang governor ng lalawigan ng pangasinan sapagkat ang mithiin pa rin niya ay government service.

Sa ngayon, ipinahayag ni retired gen. lomibao na mas may oras na siya para basahin ang mga aklat niyang hindi pa niya nababasa noon at manood ng sine kung may oras pa.

Sa kanyang paguwi dito sa pangasinan nung nakaraang araw ay upang dalawin ang kanyang kamag-anak, dalawin ang puntod ng kanyang mga magulang at magsimba sa our lady o manaoag shrine sa bayan ng manaoag.


Medical mission sa Third District ng Pangasinan, dinumog

Umabot sa mahigit dalawang libong katao na may iba’t ibang karamdaman ang natugunan sa ginanap na medical mission sa lungsod ng san carlos nung araw ng sabado.

Ayon kay Rachel ‘baby’ arenas, ang siyang nagtaguyod sa naturang medical mission, katuwang niya ditto ang kanyang inang si baby arenas dahil nakagawian na niyang magsagawa ng ganitong mga public service activities tuwing sumasapit ang kanyang kaarawan.

Mahigit limampung mga doctor na mula pa sa St. Lukes hospital, kasama si dr. Uy, anak ni board member danny Uy ang umasikaso sa mga taong nagpunta para sa iba’t ibang mga karamdaman .

Ang mga isinagawa doon ay mga minor surgery gaya ng pagtanggal sa mga maliliit na bukol sa kataawan, papsmear, may kasama rin silang pediatrician, pulmonologist, optalmologist, obegynie at concologist. Nagpamigay din sila ng libreng gamot sa mga nagpunta doon.

Kasabay nito pinasalamatan ni arenas ang mga local officials na sumuporta sa naturang medical mission particular sina vice governor oscar lambino, mayor jolly resuelleo, board member danny uy at maging mga miembro ng sangguniang panglungsod ng san carlos.


Isang empleyado ng LTO Lingayen huli sa kasong robbery/extortion

Huli sa kasong robbery/extortion at paglabag sa RA 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang isang empleyado ng LTO sa Lingayen matapos isagawa ang isang entrapment operation.

Sa report ng pulis, ang suspect ay kinilalang si Felix Salazar y Dominguez na residente ng San Isidro Norte, Binmaley, Pangasinan.

Dinampot din bilang kasangkot ang isang babaeng security guard sa naturang ahensiya na kinilalang si Maggie Cabangcal y Dacumos na residente ng barangay Nangapugan, San Qintin, Pangasinan.

Si Salazar ay nahuli matapos tanggapin ang marked money mula sa mga empleyado ng Czar Drug Testing center at sa manager ng Rajhed drug testing center.

Nakumpiska kay Salazar ang marked money na umaabot sa halagang 900.


UPang at LNU, binati ni Lim sa pagkakabilang ng kanilang mga estudyante sa Top 10 sa nakaraang Nursing Board Exam

Mainit na ipinarating ni Mayor Benjamin S. Lim ang kanyang pagbati sa dalawang unibersidad sa lungsod matapos mapabilang sa top ten ang ilan sa kanilang mga estudyante sa nakaraang Nursing Licensure Examination na naganap noong nakaraang buwan ng Hunyo sa taong kasalukuyan.

Binati ni Lim ang administration pati ang mga miembro ng faculty ng dalawang unibersidad na pinangungunahan ng chairman ng U-Pang na si Cesar Duque at U-Pang President Catalino Rivera, at si LNU President Gonzalo Duque dahil sa pagpaptupad ng academic excellence sa kanilang escuelahan.

Ayon kay Lim ang kinalabasan ng resulta ng exam ay nagpapatunay sa status ng Dagupan bilang sentro ng edukasyon sa boung Norte na may mga escuelahang nagbibigay ng mataas na kalidad ng edukasyon.

Ipinaaabot din ni Lim ang kanyang pagbati sa mga anak ng ilang city hall employees na nakapasa sa naturang pagsusulit. Ang isa ay anak ni city health officer Dr. Leonard Carbonell.

Binati rin ni Lim ang anak ni Aksyon Radyo Station Manager Ging Cardinoza na nakapas din sa naturang pagsusulit.


Gringo Sandiego, pinarangalan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan

Nagkakaisang inaprubahan kahapon ng mga board members ng sangguniang panlalawigan ang isang resolusyon na nagpaparangal kay gringo de Guzman sandiego na taga mangaldan dahilan sa pagiging topnotcher nito sa katatapos na nursing board examination.

Base sa provincial resolution no.1621-2006 na iniakda ni board member manuel ancheta, si gringo na anak nina mr. Rodolfo at teresita san diego ng barangay amansabina sa bayan ng mangaldan ay nagbigay ng karangalan sa kanyang mga kababayan sa pangasinan dahilan sa pangunguna niya sa lahat sa naturang board exam.

Si gringo sandiego ay nagsisilbing magandang ehemplo at inspirasyon ngayon ng mga kabataan upang silay magtagumpay din sa kani-kanilang mga propesyon.

Dahil dito marapat lamang anila na mabigyan din ng ganitong parangal si gringo sandiego ng mga miembro ng sangguniang panlalawigan na pinangungunahan ni vice governor oscar lambino.


Governance system coalition binuo sa Dagupan

Philippine Governance System Coalition binuo ng local na pamahalaan ng Lungsod ng Dagupan upang alamin kung hanggang saan na ang narrating ng mga accomplishments ng lungsod.

Ayon kay mayor Benjamin S. Lim, ito ay karugtong ng implementasyon ng 10-point reform agenda ng lungsod na ang layuniy mapag-isa ang lahat ng mga aktibidad patungo sa mas magandang hinaharap ng Dagupan.

Ang Philippine Governance System na ipinopromote ng Institue of Solidarity in Asia ay pinulot ng local na pamahalaan ng lungsod upang maging isang monitoring at unifying device.

Dahil dito, hiniling ni Lim sa lahat ng sector sa lungsod maging sa mga government at non-government organizations na sanay tumulong para sa ikatatagumpay ng PGS.

Ang naturang executive order na bumubuo sa PGS , dagdag ni Lim ay magsisilbing covenant sa lahat ng mga miembro para suportahan ang PGS pati na ang mga subsidiary system nito na binubou ng Dagupan City Roadmap, city scoresheet, department scoresheet, NGA scoresheet at NGO scoresheet.

Ang PGS coalition ay binubuo ng lahat ng city government departments, divisions, outlets, management boards, task forces, councils and committees, national government agencies at non-government sectors.


Lungsod ng Dagupan, gagawing seafood basket of the North sa 2007

Bukod sa pagiging Bangus Capital of the World, ang lungsod ng Dagupan ay magiging Seafood Basket of the North na rin sa 2007.

Ito ang naging pahayag ni mayor Benjie Lim bago siya tumulak papuntang Japan noong huebes matapos makausap ang 35 pilot beneficiaries ng bagong tatag na Fisherfolk Entrepreneur Program.

Ang Fisherfolk Entrepreneur Program ay programa ng lungsod ng Dagupan na magbibigay ng oportunidad sa livelihood at karagdagang income sa mga mahihirap at marginalized na mga mangingisda.

Ayon kay Lim, ang mga napiling beneficiaries ay iaayos para bomuo ng isang kooperatiba kung saan ang lokal na pamahalaan ng lungsod sa pamamagitan ng cooperative development fund ay magbibigay ng sapat na kapital para sa negosyo ganun din ng monthly subsistence allowance, 3,000 piraso ng mataas na kalidad ng fish fingerlings at supply ng feeds mula sa umpisa ng production hanggang sa harvest period.

Ang implementasyon ng programa ay inaasahang makapagpaparami ng fish production at makapagbibigay ng trabaho sa mga mahihirap na mangingisda.

Malaki ang tiwala ni Lim na sa pamamagitan ng programang ito ay makapag-poproduce na ang lungsod ng high value at export-quality na mga isda tulad ng malaga, apahap, talakitok, pampano at lapu-lapu.

At upang maabot ang pangarap na ito, nakipag-ugnayan na rin ang lungsod sa Santeh Feeds para sa introduction ng pinaka-latest na teknolohiya s farming methods para sa production ng mga nabanggit na klase ng isda.

Ayon kay City Agriculturist Emma Molina, ang teknolohiyang gagamitin ay katulad ng ginagamit sa halos lahat ng bansa sa Asya.

Sinabi pa ni Molina na aalagaan ng mga beneficiaries ang mga high value fish na ito sa fish pen na may dimensiyong 10×30 meters na puedeng mag-harvest pagkatapos ng apat na buwan.

Kahapon ay nagsimula ang cooperative development activities ng mga mangingisda kalakip ang free membership at education seminar.


Gringo Sandiego, pinarangalan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan

Nagkakaisang inaprubahan kahapon ng mga board members ng sangguniang panlalawigan ang isang resolusyon na nagpaparangal kay gringo de Guzman sandiego na taga mangaldan dahilan sa pagiging topnotcher nito sa katatapos na nursing board examination.

Base sa provincial resolution no.1621-2006 na iniakda ni board member manuel ancheta, si gringo na anak nina mr. Rodolfo at teresita san diego ng barangay amansabina sa bayan ng mangaldan ay nagbigay ng karangalan sa kanyang mga kababayan sa pangasinan dahilan sa pangunguna niya sa lahat sa naturang board exam.

Si gringo sandiego ay nagsisilbing magandang ehemplo at inspirasyon ngayon ng mga kabataan upang silay magtagumpay din sa kani-kanilang mga propesyon.

Dahil dito marapat lamang anila na mabigyan din ng ganitong parangal si gringo sandiego ng mga miembro ng sangguniang panlalawigan na pinangungunahan ni vice governor oscar lambino.


Biskeg na Pangasinan, naghahanda na para sa eleksyon

Naghahanda na ang Biskeg Pangasinan para sa nalalapit nang eleksyon sa susunod na taon.

Ang Biskeg na Pangasinan, ang nagiisang accredited provincial party ng commission on elections o comelec ay nagnanais na makapaglatag ng kanyang mga kandidato sa iba’t ibang mga lunsod at munisipalidad ditto sa lalawigan ng pangasinan.

Ayon kay undersecretary for local governance Antonio villar, jr. ang founding chairman ng biskeg, ngayon pa lang ay inihahanda na nila ang mga bagay na may kinalaman sa eleksyon. Idinagdag pa ni villar na ang tanggapan ng biskeg na nakabase sa central business district sa dagupan city ay nakikipagugnayan na sa mga incumbent mayors at mga konsehal na orihinal na miembro ng grupo para maipatupad ang naturang plano.

Idinagdag pa niya na lahat ng mga orihinal na miembro ay kinakailangang ipahayag ang kanilang pagkagusto o interest para sa renewal ng kanilang membership bagamat ito ay dadaan pa rin sa approval ng labing limang miembro ng board of directors na pawing mga incumbent officials gaya ng mayor, vice mayor o kaya ay board member.

Ang iba pang mga pwedeng maging mga bagong miembro ay kinakailangan din dumaan sa isang masusing pagsisiyasat upang mapanatili nito ang malinis at magandang reputasyon sa pagbibigay ng mga potensyal at winnable na mga kandidato. Iniiwasan din nila ang posibleng paggamit sa biskeg para sa sariling interes ng ilang mga politico.

Pagkatapos makuha ng biskeg ang accreditation nito sa comelec, nakapagtala siya ng historya sa pangasinan sapagkat ito ang kauna-unahan at opisyal na kinikilalang political party sa lalawigan.

Ang mga local leaders na matatangap sa naturang samahan ay pananatilihin din nila ang kanilang national political party affiliation subalit tangan nila ang Biskeg bilang kanilang local party gaya halimbawa ng Lakas-biskeg o npc-biskeg.

Ipinahayag pa ni Villar na nakakataba ng puso dahil halos lahat ay nagnanais makasama sa biskeg. Patunay dito ang pagdami na ng kanilang bilang kung saan umaabot na sila sa apat na raan mula sa iba’t ibang bahagi ng pangasinan at lahat ay mga elected officials.

Ang Biskeg ang nasa likuran halos ng pagkakaupo sa iba’t ibang posisyon ng mga local leaders sa pangasinan.

Nagumpisa ang biskeg bilang isang informal group sa 3rd district ng pangasinan nung mga 1990’s, hanggang sa nagdesisyon ang mga miembro nito na iparehistro na sa comelec dahilan na rin sa tagumpay ng mga sinupurtahan nito. Ang Biskeg ay gumawa rin ng hakbang para sa pagkakapanalo ni pangulong Gloria arroyo laban sa kanyang katunggali na nagpakikila ring isang pangasinense.


July 2006
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31